Direk Christopher Ad Castillo, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 02:30 PM

MAYNILA -- Pumanaw na nitong Agosto 18, ang horror movie director na si Christoper Ad Castillo. Siya ay 54 anyos.

Si Castillo ay ang direktor ng mga pelikulang “In Darkness We Live,” “The Diplomat Hotel” at “The Sky Is Falling.”

Siya ay anak ng batikang direktor na si Celso Ad Castillo.

Sa naglabasan na mga ulat, cardiac arrest ang ikinamatay ni Castillo na komplikasyon ng kanyang sakit na diabetes.

 

Sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City, binawian ng buhay ang direktor, ayon sa kanyang tiyuhin na si John Ad Castillo.

Kasalukuyan din na ginagawa ni Castillo ang classic horror movie ng kanyang ama na “Patayin sa Sindak si Barbara” na pagbibidahan sana nina Natalie Hart, JC de Vera at Mariel de Leon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.