Daniel Matsunaga nasangkot sa aksidente sa Commonwealth Avenue

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2018 09:04 AM | Updated as of Aug 19 2018 09:46 AM

MANILA -- Nabundol ng sasakyan ng aktor na si Daniel Matsunaga ang isang motorcycle rider sa Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Linggo ng madaling-araw. 

Kuwento ni Matsunaga, minamaneho niya ang kotse at pauwi na sana mula sa isang restaurant kasama ang kaniyang kapatid na si Gilherme. 

Mula Commonwealth westbound lane, kumanan aniya siya patungong Don Antonio Street, pero biglang sumulpot ang motorsiklo, dahilan para tamaan ang likurang bahagi nito at sumemplang ang driver. 

Dumaing ng pananakit ng baywang ang motorcycle rider. Hindi naman nasaktan si Matsunaga at kaniyang kapatid.

Dinala sa ospital ang motorcycle rider, habang nagtungo sa Quezon City Traffic Sector 5 si Matsunaga para makipag-ugnayan sa pulisya.

Ulat nina Lady Vicencio at Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.