PANOORIN: Jessy Mendiola, napaiyak dahil sa bashers

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2017 12:32 PM

MANILA - Hindi na napigilan ni Jessy Mendiola ang mapaluha dahil sa bashers.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, naging emosyonal ang aktress nang marinig ang pagtatanggol sa kanya ng nakababatang kapatid na si Megan.

"Kapag nasa TV ka, what they see it what they know, hindi ka nila kilala. So ano lang si Ate, mabait siya and sa totoo lang, very generous siya and simple lang ng tao. So kapag naba-bash siya or something, nakaka-hurt din," ani Megan.

Para naman kay Jessy, aminado siyang pinagsasabihan niya ang kapatid na huwag na lang pansinin ang mga basher, pero hindi rin maiiwasan na minsan ay masaktan.

"Oo ini-explain ko sa kanya. Pero minsan talaga, hindi ba, 'yung ibang tao lang din talaga, hindi na ako 'yung bina-bash 'yung pamilya na. Kapag ganoon, mas masakit," ani Jessy.

Maliban sa kanyang kapatid ay nagpahayag din ng saloobin ang ina ni Jessy tungkol sa mga basher ng aktres.

"Siyempre, nasasaktan ako. Kapag naba-bash siya, doon lang siya sa kuwarto niya, umiiyak siya. Ako, umiiyak na lang din ako, kasi nasasaktan ako. [Di siya nag-o-open up] tinitiis niya," ayon sa ina ni Jessy na si Joanne Mendiola.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.