Joey Marquez, suportado ba ng mga anak kung magpapakasal muli?

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 11:18 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Aminado si Teresita "Winwyn" Marquez na ayaw na niya at ng kanyang mga kapatid na muli pang mag-asawa ang kanilang ama na si Joey Marquez.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ipinaliwanag ni Winwyn na ang mga dating pinagdaanan ng kanilang pamilya ay sapat na para huwag na muling magpakasal ang ama.

Si Joey ay dating kasal sa ina ni Winwyn na si Alma Moreno.

"Parang lahat yata kaming magkakapatid ayaw na rin siyang mag-asawa ulit. Walang concrete reason. Para sa amin parang tama na, huwag na lang. Basta makahanap ka ng partner na mag-aalaga sa iyo at hindi ka iiwan," ani Winwyn habang nakikinig ang ama.

"Marriage naman sabi nga niya, minsan it's only on paper. Sana ay makahanap na lang siya ng partner na hindi siya iiwan, na hindi na rin maghahanap ng kasal. Tama na 'yung pinagdaanan namin. Hindi na naman niya na ulit kailangang pagdanan 'yon. We are just happy na makita siyang masaya. Pero kung gusto niya in time, wala din naman kaming choice, hindi ba? Basta kung saan siya masaya. For us, huwag na. Nandito naman kami. And he found naman a partner who will take care of him forever, I think that's enough." dagdag ng beauty queen.

Sinang-ayunan naman ni Joey ang sinabi ng anak.

"Totoo yan, hindi naman sa makabago ako. Marriage is just a ceremony, what is important is your commitment to each other. Normal lang magpapakasal dahil gusto ng babae na makitang naka-gown siya. Pero ang mas importante ay 'yung commitment niyo sa isa't isa ay panghabambuhay," ani Joey na iginiit na kung dumating man ay panahon ay mas pipiliin pa rin niya ang kanyang mga anak.

"First thing naman sa akin na you will always be my priority, my children. Kung papipiliin ako kung anak ko o siya (partner), mga anak ko ang pipiliin ko. And the woman that I am with now understood that and accepted that."

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ng kanyang anak, inamin ni Joey ang pagiging istrikto.
 
Ayon naman kay Winwyn, "civil" ang kanyang ama sa kanyang nobyo.

Samantala, sa unang pagkakataon ay magkakasama ang mag-amang sina Joey at Winwyn sa iisang proyekto.

Parte ang mag-ama ng pelikulang "Unli Life" na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

Ipapalabas ito sa Agosto 15.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.