'Ito na ba time ko?': Erich nakuryente sa shooting ng pelikula

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2018 04:59 PM | Updated as of Aug 09 2018 09:01 PM

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Ilang beses nalagay sa panganib ang buhay ng aktres na si Erich Gonzales sa pag-shoot ng pinagbibidahan niyang action film na "We Will Not Die Tonight."

Sa press conference ng pelikula, ikinuwento ng direktor na si Richard Somes na napuluputan ng barbed wire ang leeg ng aktres at tumilapon ito matapos makuryente ng live wire sa pag-shoot ng isang elevator scene.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon naman kay Gonzales, inakala niyang huli na ang lahat para sa kaniya nang makuryente.

"Sabi ko, 'Lord, ito na ba time ko? Akala ko 'we will not die tonight' 'yong title? Lord, huwag muna. Marami pa akong gustong palno sa buhay [na] gagawin,'" ani Gonzales.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos makuryente, minabuti nila Somes na alisin na lang ang elevator scene pero sa susunod na shooting day ay napapayag muli si Gonzales na kuhanan iyon matapos magpahiwatig ang direktor ng panghihinayang sa eksena.

"The next shooting day [sabi ni Somes], 'Erich, sayang 'yong elevator scene 'no? Maganda 'yon eh,'" kuwento ni Gonzales.

Gagampanan ni Gonzales sa pelikula ang papel ng isang stuntwoman na napasabak sa raket ng isang sindikato.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Makakasama ni Gonzales sa pelikula sina Max Eigenmann, Sarah Abad, Paolo Paraiso, Thou Reyes, Jeffrey Tam at Alex Medina.

Unang ipinalabas ang "We Will Not Die Tonight" sa 17th New York Asian Film Festival.

Isa ang pelikula sa mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon at mapapanood ito simula Agosto 15. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.