Kris Lawrence, may bagong awitin para sa 'abangers'

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 01:14 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong awitin ang inilabas ni Kris Lawrence.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, inawit ni Kris ang kanyang single na "Ako Na Lang," na tungkol sa mga taong naghihintay na mahalin rin ng kanilang nagugustuhan.

"Para sa mga abangers diyan, abangers sa love. Let's say 'yung lalaki may crush, pero hindi siya crush dahil 'yung babae may boyfriend. One day nakita ng guy na may kasamang iba 'yung boyfriend ng crush niya, kaya gusto niyang sabihin na ako na lang ang magmamahal. 'Yun ang kuwento ng kanta ko," ani Kris.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.