Modelo mula Caloocan, kampeon pa rin sa 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 04:52 PM

MANILA -- Si Aerone Mendoza mula Caloocan ang nanatiling kampeon ng "Tawag ng Tanghalan."

Nitong Lunes, nagawang madepensahan ni Aerone ang ginintuang mikropono laban sa daily challenger na si John Lacno sa pag-awit niya ng "All My Life."

Nakakuha si Aerone ng mataas na iskor na 91.5% mula sa mga hurado, laban sa iskor na 89.4% na nakuha ni Lacno na umawit naman ng "A Song For You."

Pangalawang panalo na ito ni Aerone. Kailangan niyang makakuha ng limang panalo para makasali sa semifinals ng timpalak.

Babalik siya sa "It's Showtime" sa Martes para muling depensahan ang kanyang titulo.

It's Showtime, Hulyo 17, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.