Korina, binalak maging artista

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 02:00 PM

MANILA -- Inamin ng batikang brodkaster na si Korina Sanchez na binalak niya noon na maging artista.

Sa panayam sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, sinabi ni Korina na bago niya pasukin ang broadcasting, pinagarap niyang maging sikat na artista.

"Gusto ko maging artista. Lahat naman tayo, aminin. Hindi ba kapag babae, gusto maging beauty queen, eh kinulang ako ng height. Gusto ko maging accountant eh bobo ako sa Math. Gusto ko maging doktor pero madiriin ako sa dugo. Saan na lang ako pupunta? Eh dito na lang sa (broadcasting) mahilig ako magsulat, mahilig ako mag-public speaking, so doon tayo sa journalism," kuwento ni Korina.

Ayon kay Korina, hindi natuloy ang kanyang pagsabak sa show business dahil hindi niya kaya ang maghintay sa taping.

"Ayaw kong maghintay sa taping, aminin ang hirap niyan," ani Korina.

Matapos ang ilang taong pagiging brodkaster at komentarista, sa ngayon ay patuloy pa rin si Korina sa pagiging host ng "Rated K."

Abala rin ngayon si Korina sa kanyang mga adbokasiya tulad ng pamamahagi ng tsinelas at artificial legs at ang pag-ampon ng mga aso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.