PANOORIN: Elsa Droga, sumabak sa 'Q and A' kasama si Catriona

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 12:03 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa bihirang pagkakataon, dalawang beauty queen mula sa magkaibigang kompetisyon ang nagsama sa "Magandang Buhay."

Nitong Huwebes, nagkita at nagkakilala ang dating grand finalist ng "Miss Q and A" na si Elsa Droga at ang pambato ng Pilipinas sa 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

Maliban sa kanilang nakakatuwang paghaharap, naging game rin sina Catriona at Elsa sa pagsagot ng tanong na: "Ano ang pipiliin mo, korona o pag-ibig?"

"I believe mas pipiliin ko po ang pag-ibig. Pag-ibig hindi sa jowa. Bagkus, pag-ibig sa pamilya. Tandaan po natin ang korona kumikinang 'yan pero kukupas 'yan. Pero ang pag-ibig na ibinibigay sa iyo ng buong pamilya mo kailanman ay kikinang at kailanman hindi kukupas at mawawala. And I, thank you," sagot ni Elsa.

Sagot naman ni Catriona: "I will choose pag-ibig. I don't think you could be a queen or a leader without a love for people, love for others and love for country. Whether pag-ibig in the sense of a partner, I believe if you have a partner that respects and understands where you want to go in your career, they will always support you, so you never have to choose."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.