Liza, may pangalan na para sa future baby nila ni Enrique

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 01:32 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- May mga pangalan na ibinigay si Liza Soberano kung sakaling magkakaroon sila ng baby ni Enrique Gil.

Sa Instagram Stories ni Dimples Romana, pabirong tinanong ni Dimples si Liza kung ano ang magiging pangalan sakaling magkaroon sila ng anak ni Enrique.

Ani Liza, "Enrique" ang pangalan ng baby kung ito ay lalaki at "Enriqueta" naman kung babae.

Birong hirit naman ni Dimples: "Grabe very creative, I love it."

Naganap ang kulitan ni Liza at Dimples sa set ng sikat na seryeng ang "Bagani" kung saan bida sina Liza at Enrique kasama sina Makisig Morales, Matteo Guidicelli at Zaijian Jaranilla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.