Shaina, suportado ang kapatid na si Vina

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 05:56 PM

MANILA -- Todo ang suportang ibinibigay ni Shaina Magdayao at ng kanyang buong pamilya kay Vina Morales, matapos itong makipaghiwalay sa nobyong si Marc Lambert nito lamang nakaraang buwan.

Sa panayam ng entertainment press nitong Lunes, sa set visit para sa serye niyang "The Better Half," sinabi ni Shaina na kahit sa anong aspeto ng buhay ay matibay ang suporta ng kanilang pamilya para sa isa't isa.

"Ganoon naman ang pamilya namin. Lahat, be it personal or showbiz, we are one solid family," ani Shaina.

"I guess ganoon ang ipinapakita namin kay ate na kahit ano pa ang mangyari sa kanya, ano pa ang desisyon niya, we will always be behind her," dagdag ng aktres.

Pag-amin ni Shaina, saksi siya sa pinagdadaanan ng kanyang kapatid.

"Makikita mo naman. Pero I feel that she's already complete as a woman because Ceana is there. Pero hindi natin maiiwasan ang trials ng buhay. Lagi tayong may pinagdadaanan, laging may problemang ibinibigay si Lord. So hindi matatapos 'yan. Pero may mga taong susuporta sa iyo all the way at isa ang pamilya mo doon at mayroon kang anak," ani Shaina.

"Si Ate, tao lang din 'yon, so masasaktan din. Kung sinabi niya na umiiyak siya, oo naman. But you know at the end of the day eh lumalaban 'yon, fighter 'yon," ani Shaina.

Nito lamang nakaraang buwan ay napabalita ang paghihiwalay ni Vina at Marc. 

Ayon kay Vina, ang pagiging malayo sa isa't isa ang dahilan ng hiwalayan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.