PANOORIN: Angel, John Lloyd may patikim na kilig sa 'La Luna Sangre'

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 11:09 PM | Updated as of Jun 20 2017 02:01 AM

Matapos ang matagal na paghihintay, nagsimula na ang pinaka-aabangang teleseryeng "La Luna Sangre" nitong Lunes ng gabi. 

Sa pilot episode ng serye, ipinakita ang kasalukuyang sitwasyon sa pagitan ng mga lobo at bampira.

Agad na nagpakilig ang mga bidang sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na may pa-buwenas na kissing scene. Matagal ring hindi nagtambal sa isang proyekto ang dalawa. 

Ipinakilala rin ang ibang miyembro ng cast na kinabibilangan nina Joross Gamboa, Ina Raymundo, Gelli de Belen, Richard Gutierrez, at marami pang iba. 

Nagtapos sa isang makulay na pista ang episode. Ang hindi nila alam ay mag-uumpisa na ang isang madilim na kabanata sa mga susunod na araw. 

Tutukan ang "La Luna Sangre" mula Lunes hanngang Biyernes pagkatapos ng "Ang Probinsyano." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.