Barbero mula Digos, nakadalawang panalo na sa 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2017 05:28 PM

MANILA -- Si Joel Delalamon mula Digos City ang nanatiling kampeon ng "Tawag ng Tanghalan."

Nitong Lunes, nagawang madepensahan ng barbero na si Joel ang ginintuang mikropono laban sa daily challenger na si Mac-Mac Dequina sa pag-awit niya ng "I Believe." 

Nakakuha si Joel ng mataas na iskor na 95%, laban sa 90.6% ni Mac-Mac na umawit naman ng "Stuck On You."

Sa ngayon ay mayroon ng P60,000 si Joel, matapos ang pangalawa niyang pagkapanalo. 

Sumali si Joel sa "Tawag ng Tanghalan" para tuparin ang pangarap na makabili ng bahay at mga gamit sa kanyang paggugupit.

It's Showtime, Hunyo 19, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.