'Ang Probinsyano' nagtala ng pinakamataas nilang ratings sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2018 10:11 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pumalo sa 44 percent ang ratings ng huling episode ng "Ang Probinsyano" nitong Miyerkoles, ang pinakamataas nilang naitala ngayong taon. 

Itinuturing itong blessing ng programa at isa sa mga naambunan ng biyaya ay ang nagbabalik-showbiz na komedyana na si Whitney Tyson.

Sa kaniyang guesting sa "Rated K" noong nakaraang linggo, ibinahagi ni Tyson ang buhay niya nang mawala sa showbiz. 

Binisita ng ABS-CBN News si Tyson sa set ng "Ang Probinsyano" at doon nakita na masaya, re-energized, at excited siyang umarte muli. 

"Ninerbiyos-nerbiyos ako kasi ang tagal ko nang hindi umaarte," aniya.

Katunayan, nakaka-5 taping days na siya sa serye. 

Nagpapasalamat siya sa host na si Korina Sanchez na naging daan sa kaniyang pagbabalik.

"Hindi pa nga napapalabas 'yung 'Rated K,' hapon pa lang may tumatawag sa akin dito sa 'Ang Probinsyano,' kaya natuwa ako," kuwento ng komedyana.
 
Huling napanood si Tyson sa sitcom na "Richard Loves Lucy" kaya hiling niya na mapasama muli sa isang sitcom. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.