Suwabe! Angel Locsin, puwede rin sa kantahan

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:56 AM | Updated as of Jun 13 2018 04:58 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Video from Instagram.com/albertmartinez_

MANILA -- Ipinakita ng aktres na si Angel Locsin na hindi lang siya sa acting magaling kung hindi na rin sa pag-awit. 

Sa uploaded video sa Instagram ni Albert Martinez, humanga ang mga tagahanga ni Angel sa game na game niyang pakikipag-jamming.

Kasama ni Angel sa singing session ang One Music artist na si Volts Vallejo kung saan kinanta niya ang "Torete."

Sa ngayon ay abala si Angel sa paparating na serye na "General's Daughter" kung saan makakasama niya si Albert at iba pang mga bituin ng Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.