Paulo Avelino, excited sa pinakabagong pelikula na 'Goyo'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:30 AM

 

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

MANILA -- Kasama sa parada kahapon para sa 2018 Independence Day sa Rizal Park ang lead cast ng historical movie na “Goyo: Ang Batang Heneral" na pinangungunahan ni Paulo Avelino.

In full costume na dumating si Paulo at sumakay sa kabayo sa gitna ng ulan para sa parada.

Proud si Paulo at biggest movie niya sa kanyang career ang “Goyo” na gusto niyang ipakilala sa present generation.

"Gusto ko ipakilala hindi lang si Goyo kundi pati ibang bayani natin na tao lang sila tulad natin na nagkakamali din at hindi perpekto," ani Paulo.

Isa sa pinag-aralan ni Paulo para sa pelikula ang pagsakay sa kabayo dahil marami siyang mga eksena na kinailangan ito.

"Medyo overtrained nga ako para sa mga eksena... overtrained dahil ang teacher namin si Teacher Violet medyo advanced na masyado ang tinuturo nya sa amin," kuwento ni Paulo.

Ayon sa akto, masusing research ang naganap para sa kanyang suot na costume at iba pang detalye sa pelikula.

"Properly researched at may mga pinag-basehan din naman pero 'di natin masasabi kung ano ang exact na itsura niya in person," aniya.

Ipapalabas ang “Goyo: Ang Batang Heneral” sa September 5.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.