TNT Boys, nagpakitang gilas sa Malacañang

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 12:32 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Naimbitahan ang TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez na umawit sa Malacañang.

Umawit ang tatlo sa isang official dinner kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte at Prime Minister Peter O' Neill ng Papua New Guinea sa Malacañang.

Sa social media, lumabas ang mga larawan ng tatlo kasama ang Pangulo ng Pilipinas at ang Prime Minister ng Papua New Guinea.

Kasali ang TNT Boys sa bagong season ng "Your Face Sounds Familiar Kids" na mapapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.