Nahaharap sa kaso, Ellen nag-Palawan kasama si John Lloyd

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 05:34 PM

Nagbakasyon sa isang sikat na beach resort sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa gitna ng kasong kinakaharap ng aktres.

Nag-post si Adarna sa Instagram ng larawan ng beach na ang naka-tag na lokasyon ay Amanpulo, isang private island resort sa Palawan.

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

Sa Instagram Stories naman ni Adarna, nag-post siya ng ilan pang kuha ng beach at video kung saan nahagip ang kaniyang nobyong si Cruz habang tila kinukuhanan din ng larawan ang beach.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-picnic din sa beach ang dalawa.

Nito lang Martes, Mayo 15, kinasuhan si Adarna ng child abuse at cybercrime ng ina ng 17 anyos na babaeng pinaghinalaan ni Adarna na kumuha ng video habang kumakain siya sa isang restoran sa Makati.

Wala pa ring pahayag si Adarna ukol sa kaso maging sa hiling ng ina ng menor de edad na mag-public apology ang aktres.

Mailap din sa panayam ng media si Cruz na mas nais daw ngayong tumutok sa sining.

Bago na rin ang hairstyle ng nag-indefinite leave na aktor. 

Mismong si Adarna ang naggupit ng buhok ni Cruz.

Hindi pa rin sinasagot ng dalawa ang isyung pagdadalantao ni Adarna sa panganay nila ni Cruz.

Pero naging usap-usapan ang isang post ng hipag ni Adarna tampok ang isang bagong-silang na sanggol.

Sa comments kasi, nabanggit ni Kim Araneta Adarna, misis ng kapatid ni Ellen na si Danton Adarna, ang apelyidong "Cruz" habang sinasagot ang sinasabing pribadong account ni Adarna na "@emg.a"

Saad ng comment: "@emg.a ma tonicua cruz na ni siya next wednesday besh hahaha"

(magiging tonicua cruz na siya next wednesday besh hahaha)

 

A post shared by Kim A. Adarna (@kimaadarna) on

Malinaw naman sa posts ni Kim na kasisilang din lang niya sa ikatlong anak nila ni Danton.

Noong Abril, lalong uminit ang isyu sa pagbubuntis ni Adarna dahil sa post ng kaibigang nag-congratulate sa motherhood ng celebrity.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.