Mariel Rodriguez, balik-eksena matapos makapagbawas ng timbang

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 11:45 AM | Updated as of May 17 2018 12:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Balik-eksena ang mas sexy at glowing na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Ready na muli harapin ni Mariel ang naiwang showbiz career matapos tutukan ang pagiging nanay sa panganay nila ni Robin Padilla na si Isabella.

Forty-plus pounds na ang nabawas ni Mariel at 15 pounds pa ang target niyang mabawas sa pagbabalik telebisyon

"I'm hoping sana by next month, whether or not I make it... Siguro naman maintindihan na ng mga tao na nagkaroon ako ng baby. Hindi naman 'yung kumain lang ako na ginusto ko lang ito, di ba?" ani Mariel.

Aminado si Mariel na nami-miss niya ang buhay hosting at kaliwat-kanan na schedule sa showbiz.

"Definitely it will still be 'Showtime' ...Magbubukas ulit ang Bahay ni Kuya. So, sana," ani Mariel.

At sa kanyang naging journey sa pagiging nanay at sa balik-alindog program, isa lang ang nais niyang pasalamatan.

"I wouldn't be able to do lahat ng ginawa kong iyon kung hindi ako sinuportahan ni Robin. Kasi even during the time na I was super fat, not once na nag-complain siya. Not once na pinaramdam niya sa akin na pangit ako. Alam niyang ginagawa ko lahat ng sacrifice na 'yun for our baby and he was so proud of me. That really mattered the most," ani Mariel.

Target ni Mariel na magkaroon pa ng isa pang baby para magkaroon ng kapatid ang kanyang panganay.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.