PANOORIN: Mga eksena sa Myx Music Awards 2018

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 09:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagningning ang Araneta Coliseum sa Quezon City noong gabi ng Martes dahil sa pagsasama-sama ng Pinoy music artists mula sa iba't ibang henerasyon para sa Myx Music Awards 2018.

Hindi man nakadalo sa okasyon, big winner pa rin si James Reid matapos humakot ng apat na major award, kabilang ang Song of the Year at Male Artist of the Year.

Nagwagi rin si Nadine Lustre matapos makuha ang Music Video Guest Appearance of the Year award.

Female Artist of the Year naman si Sarah Geronimo at Collaboration of the Year ang kanta nila ni ni Yeng Constantino na "Kaibigan Mo."

Nakuha naman ni KZ Tandingan ang Urban Video at Media Soundtrack of the Year awards.

Nakuha naman ng bandang IV of Spades ang mga award na New Artist of the Year at Myx Bandarito Performance of the Year.

Nagpasalamat din ang mga banda sa dati nilang lead vocalist na si Unique Salonga.

Itinanghal din ng banda ang kanilang kantang "Mundo."

Myx Magna awardee si Martin Nievera na binigyan ng tribute performance ng mga bagong haligi ng original Pilipino music (OPM).

Nakipagsabayan naman ang mga tagahanga sa pagtatanghal ni Shanti Dope ng hit song na "Nadarang," kasama si IƱigo Pascual at Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli sa pag-perform ang boy group na Hashtags, at ang mga tambalan nina Kisses Delavin at Tony Labrusca, at Maymay Entrata at Edward Barber.

Mistulang reunion din ang awards night para sa mga dating MYX VJ na sina Luis Manzano, Nikki Gil, Bianca Roque, Iya Villania, at Chino Lui-Pio.

May bagong yugto naman sa buhay ng dating MYX VJ na si Heart Evangelista matapos ianunsiyo na buntis siya sa anak nila ni Sen. Chiz Escudero.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.