John Estrada, suportado ang modeling career ng anak kay Janice

ABS-CBN News

Posted at May 16 2017 12:21 PM

MANILA -- Maliban sa kanyang inang si Janice de Belen, ibinahagi ni Kaila Estrada na tanggap na ng kanyang amang si John Estrada ang pagpasok niya sa modeling.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, sinabi ni Kaila na kung dati ay tila ayaw ng kanyang ama sa pinasok niyang larangan, ngayon ay suportado na siya nito.

"My parents are really supportive about my modeling now. Dati kasi, noong bata ako, hindi ko siya ever naisip na gawin. So, noong 16 ako that was the age na I decided I wanted to try out modeling," ani Kaila sa hosts na sila Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

"Yung dad ko 'yung medyo parang, 'hmm parang ayaw ko.' Pero 'yung mom, sobrang supportive. Kasi 'yung mom ko naman with whatever, whether school or kung anuman ang gusto naming gawin like hobbies. Kung ano ang gusto namin ay susuportahan niya basta she know's na passionate kami about it," pahayag ni Kaila.

Ayon pa kay Kaila, nauunawaan niya ang naging takot ng ama dahil dati din itong naging modelo.

"Siguro kasi modelo siya dati at natatakot siguro siya. Now he's okay kasi parang na-accept na niya na we're growing up and that's something I really want to do," paliwanag ni Kaila.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.