Gary V, naghahanda para sa bagong concert

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 11:59 AM | Updated as of Apr 21 2017 12:40 PM

MANILA - Naghahandang muli si Gary Valenciano para sa isang concert na magaganap ngayong buwan ng Mayo.

Sa pagbisita niya sa "Umagang Kay Ganda (UKG)" nitong Biyernes, inanyayahan ni Valenciano ang kanyang mga tagahanga na manood ng "Gary V Presents" na mangyayari sa Mayo 12, 13, 19 at 20 sa The Theatre at Solaire kung saan makakasama niya ang ilan sa magagaling na singers. 

"Yung concert ko, 'Gary V Presents,' is about... 'yung parang paying it forward. 'Yung pagbibigay ng pagkakataon doon sa mga artistang maaaring nakikita ng mga tao, pero hindi nakikita masyado. 'Yung mga artistang sobrang bilib na bilib ako, dahil we know dito sa Pilipinas ay ang daming magagaling kumanta at madaming manunulat ng kanta," ani Valenciano. 

"So ito ang pini-present ko kaya season finale kasi 'di ko alam kung kailan mangyayari ito ulit. Pero kung mangyari ulit ang 'Gary V Presents' ay iba na ang kasama ko," aniya.

Kabilang sa kanyang paparating na concert ay sina Janice Javier, The Maneuvers, Kiana Valenciano at Mitoy Yonting.

Para sa mga manonood ng "UKG," muling inawit ni Gary V ang kanyang hit na "Shout For Joy."