'Tawag Kids,' may bagong kampeon mula Davao

ABS-CBN News

Posted at Apr 20 2017 04:59 PM

MANILA - May bagong kampeon ang "Tawag ng Tanghalan Kids." 

Nitong Huwebes, nagawang agawin ni Keifer Sanchez, anak ng isang jeepney driver mula Davao, ang ginuntuang mikropono mula sa defending champion na si Reign Curthney Basa. 

Binigyan siya ng 96 percent na iskor ng mga hurado matapos niyang kantahin ang "Hanggang Ngayon" na unang pinasikat ni Kyla, mas mataas sa 91.2 percent na nakuha ni Basa. 

Ayon kay Sanchez, maliban sa nais niyang tulungan ang kanyang mga magulang, sumali siya ng "Tawag ng Tanghalan Kids" dahil gusto niyang makita ang sarili niyang kumakanta sa telebisyon. 

Babalik siya sa talent contest sa Biyernes upang depensahan ang kanyang titulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.