Maris Racal, iwas sa usapin ng relasyon nila ni Inigo Pascual

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 04:58 PM

Photo from @reymabd on Instagram


MANILA -- Tila umiiwas si Maris Racal sa mga tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Inigo Pascual.

Sa panayam nitong Martes para sa huling dalawang linggo ng seryeng "Hanggang Saan," sinabi ni Maris na hindi nila pinag-uusapan ni Inigo kung ano na ang tunay na lagay ng kanilang relasyon para maiwasan ang kumplikasyon.

"Hindi kasi namin pinag-uusapan 'yung relationship talaga kasi 'yun ang makakapag-complicate ng things. Gusto namin ginagawa 'yung work namin, na magustuhan yun ng producers o kung sinuman ang nag-hire sa amin na gawin yon. Kapag ganoong usapan, personal na lang," ani Maris.

Giit ni Maris, sa ngayon ay malapit na magkaibigan sila ni Inigo. 

Nang matanong kung basehan ba ng isang relasyon ang pagiging malapit nila sa isa't isa, sagot ng aktres: "Ngayon kasi hindi na gaya ng dati na, eto na, 'yung kung mag-holding hands tayo ay tayo na. Ngayon kasi parang marami na siyang labels. Kasi napansin ko sa generation namin ay fulfilled muna sa sarili nila bago gawin 'yung maghanap ng partner."

Ayon kay Maris, pagkatapos ng "Hanggang Saan" ay nakatakda siyang gumawa ng pelikula kasama si Inigo. 

"Movie and album ang aabangan nila sa akin," ani Maris.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.