Janella, humingi ng tawad sa mga tagahanga

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 12:28 PM

 

A post shared by Janella Salvador 🦄 (@superjanella) on

MANILA -- Humingi ng paumanhin si Janella Salvador sa isa niyang fans club matapos siyang hindi makadalo sa surprise party na inorganisa ng mga ito para sa kanyang kaarawan.

Sa Twitter, ipinaliwanag ni Janella na dahil sa heat stroke ay hindi siya nakadalo sa selebrasyon nitong Linggo.

Inamin ni Janella na masakit ang ilan sa mga batikos na natatanggap niya dahil sa nangyari.

Giit pa ng aktres, kung kinakailangan ay handa niyang ipagtanggol ang sarili. Pahabol niya, mananatili ang pagmamahal niya sa mga tagahanga.