Mga artista ng 'Avengers: Infinity War' sinorpresa ang Pinoy fans

Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 02:28 PM | Updated as of Apr 16 2018 02:45 PM

Iba’t-ibang Avengers costume ang suot ng fans na dumalo sa biggest Marvel fans event dito sa Pilipinas nitong Linggo.

Dumating ang kalaban ng lahat na si Thanos. Mayroon ding nagdala ng kanyang puppet na si Rocket galing sa “Guardians of the Galaxy” at may gumaya rin sa famous comic book writer na si Stan Lee.

Excited ang lahat dahil sa paparating na ang bagong Avengers movie, kaya naman all out sila sa paggawa ng kani-kanilang costume.

Hindi naman napigilan ng fans ang tilian at hiyawan nang biglang ipakita sa screen ang kanilang mga iniidolong characters sa pelikula.

Mula sa isang live digital feed sa Singapore ay sorpresang binati nina Benedict Cumberbatch, Karen Gillan at “Avengers: Infinity War” director na si Joe Russo ang kanilang Filipino fans.

Amazed din naman ang actors sa kung paano sila sinalubong ng hiyawan ng mga Pinoy.

Pinoy Marvel fans, nakausap ang mga artista ng 'Avengers: Infinity War'

“It’s really our commitment as the Walt Disney Company… We find ways to really come up with best experience and engaging activities,” ani Veronica Cabalinan, country manager ng Walt Disney Philippines.

Hindi makapaniwala ang Marvel fans ng makita si Doctor Strange at Nebula.
 
Ipapalabas na sa sinehan ang kapanapanabik na “Avengers: Infinity War” sa April 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.