KZ Tandingan, bukas maging front act sa China tour ni Jessie J

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2018 09:24 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naghahanda na para sa kaniyang sariling concert si KZ Tandingan matapos ang kaniyang pambihirang karanasan sa singing competition sa China na "Singer 2018."

Sa ngayon, wala pang pinal na detalye sa magiging concert, pero bukas din siyang maging front act ni Jessie J sa magiging tour nito sa China. 

Tinanghal na grand winner ang idolo ni Tandingan na si Jessie J pero aniya, feeling winner na rin siya matapos imbitahin sa final performance nito sa kompetisyon. 

Si Tandingan ang nag-rap sa final performance ni Jessie J ng kaniyang hit song na "Bang Bang." 

Kuwento ni Tandingan, ideya mismo ni Jessie J ang maisama siya sa performance.

"Iyong ma-meet ang isa sa mga pinakamalaking influence sa music mo, iba iyon. Iyong makasama mo siya sa kompetisyon, iba iyon. Pero iyong makasama mo siya mag-perform, iyon ang pinakamalaking blessing," ani Tandingan.

Sa orihinal na kanta, si Nicki Minaj ang nag-rap ng parte ni Tandingan.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.