Vice Ganda, nagpakilig sa pagyakap niya kay 'Ate Girl' Jaki

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 03:56 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Napuno ng kilig muli ang "It's Showtime" sa pagyakap ni Vice Ganda kay 'Ate Girl' Jaki Gonzaga.

Nitong Miyerkoles, naghiyawan ang madlang pipol sa usapan nina Vice Ganda at 'Ate Girl' tungkol sa pagbubukas ng kanilang mga puso para magmahal.
 
Sa huli, niyakap ni Vice Ganda si 'Ate Girl,' para madama nito ang tibok ng kanyang puso.

"Nadama ko, malambot pala ang puso mo para sa akin, kasi may taong ang puso ay parang bato. Salamat naramdaman ko ang tibok eh," ani Vice Ganda matapos yakapin si Jaki.

Mas kinilig naman ang madlang pipol sa akmang paghalik ni Vice Ganda kay Ate Girl.

"Jaki, salamat ha sa kung anuman ang ipinaparamdam mo sa akin. Kung anuman ang nararamdaman ko ngayon, magulo pero masarap," dagdag na hirit ni Vice Ganda kay Jaki.

Halos araw-araw ay pinapakilig nina Vice Ganda at 'Ate Girl' ang madlang pipol sa kanilang biruan na pagkakagustuhan sa "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.