Sam at Kiana, bukas ba sa ideya ng live-in?

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 02:49 PM

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

MANILA -- Hindi bukas ang magkasintahan na sina Sam Concepcion at Kiana Valenciano sa ideya na magsama kahit hindi pa kasal.
 
"I think it depends on the case, it depends on the person. Personally, siguro that's not for me," ani Sam sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Personally kaya feeling ko hindi para sa akin because I like my time din kasi with myself. It depends din on your conviction kung what you believe in. Pero siguro not for me, not for us," dagdag ni Sam.

Tulad ng nobyo, hindi rin bukas sa nasabing ideya si Kiana, anak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

"Personally I don't believe in moving in with someone. I don't know, it's just a personal thing na gusto ko when you are with someone for the rest of your life, then there's something to look forward to, that you guys move in together," ani Kiana. "Not for us."

Ani Sam, masaya siya na maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng kanyang nobya.

"I think that's very important. Kasi when you are in a relationship mayroon kang responsibility to be there and take care of that person and siyempre it's the family that takes care of that person. Kaya it's important for me that mayroon kang magandang relationship with them," ani Sam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.