Vice Ganda, balik-'Showtime' na

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2018 02:02 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagbalik na sa "It's Showtime" si Vice Ganda nitong Lunes, higit isang linggo matapos siyang sumailalim sa operasyon para tanggalin ang mga bato sa kanyang kidney.

"Maraming maraming salamat. Sobrang na-miss ko ang 'Showtime.' Na-miss ko ang magtrabaho. Na-miss ko ang kumita, malaki-laki rin ang nawala sa akin. Bukod doon sa nabawi 'yung ibinayad sa akin sa Vigan kasi hindi ako nakapunta," ani Vice Ganda sa pagbabalik niya sa "It's Showtime."

Giit ni Vice Ganda, maayos na ngayon ang kanyang kalagayan, matapos ang matinding sakit na kanyang naranasan. 

"Parang five minutes nasa bahay na ako, 'yung sakit hindi siya sakit tapos sumakit ng sumakit. As in masakit na masakit, 1,000% agad. Pagsigaw ko 'yung staff ko natutulog sa harapan ko, humingi ako ng tulong pero walang lumalabas sa bibig ko. Kasi kapag sumigaw ako lalong sumasakit. Sa English excruciating 'yung sakit. Akala ko talaga mamatay na ako. Tapos sabi ko kailangan kong isigaw at hindi nila ako maririnig, tapos sumigaw ako. Nasa sahig na ako, tapos namanhid ang katawan ko, sabi ko 'dalhin niyo ako sa ospital, hindi ko na kaya.' As in ang sakit, sakit sobra. Pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Mas masakit pa sa nakasalubong mo 'yung ex mo na may jowa na siya tapos masaya sila," ani Vice Ganda na iginiit na multiple kidney stones ang kanyang naging problema. 

"Both left and right sobrang dami kong bato kaya ganoon kasakit, pero hindi nagpi-fail ang kidney ko," ani Vice Ganda na masayang malaman na may handang mag-alay ng kidney para sa kanya.

Ayon kay Vice Ganda, namulat siya sa ganda ng buhay dahil sa kanyang pinagdaanan.

"Alam na kaagad nila na kidney stones. Ang unang sinaksak sa akin ay morphine, 'yung pain reliever na malala.... pagsaksak sa akin hindi siya nawala sa morphine mas malakas pa sa morphine ang isinaksak sa akin. Doon ako na-realized na my God I can not die. I don't want to die, hindi sa ayaw ko, I don't want to die kasi ang sarap ng buhay. Ang sarap ng buhay. So the entire week nanonood ako ng Netflix. Napanood ko 'yung '13 Reasons Why.' Kawawa naman 'yung bata kasi ang nakita niya ay yung 13 reasons kung bakit kailangan niyang tapusin ang buhay niya. Ako isang magandang rason lang ang nakita ko kung bakit hindi dapat matapos ang buhay ko -- kasi ang sarap-sarap ng life. Kaya let's embrace our lives, enjoy our blessings sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki at magpasalamat tayo araw-araw," ani Vice Ganda na nagpasalamat din sa mga manonood ng "It's Showtime" na kanyang naging inspirasyon.

"Noong nakilala ako ng madlang pipol doon umikot kasi ang buhay ko, hanggang sa ganito na ako ngayon, kayo 'yon. Ang sarap pala talaga," ani Vice Ganda. 
 
Samantala, humingi rin ng tawad si Vice Ganda sa mga tagahanga niya sa Vigan. Hindi nakarating sa concert niya sa Vigan ang komedyante dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari.

Humingi rin siya ng tawad kina James Reid at Nadine Lustre dahil hindi rin siya nakasipot sa concert ng mga ito. 

"Sa madlang pipol sorry hindi ako nakapasok ng matagal na miss niyo ako. Sa mga taga-Vigan na nangako akong darating pero hindi ako nakarating dahil nasa ospital ako. Ang mga nag-expect sa akin sa JaDine concert, James and Nadine, pagpasensiyahan niyo na hindi rin ako nakarating kasi hindi ako makaka-dance to death kasi naka-pads pa ako," paliwanag ni Vice Ganda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.