Imahen ng Sto. Nino sa Pangasinan, lumalaki?

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 11:06 PM

Naniniwala ang mga residente ng isang barangay sa Binmaley, Pangasinan na nagmimilagro ang isang imahen ng Sto. Nino rito.

Ayon sa mga nangangalaga rito, kasinlaki lamang umano ito ng palito ng posporo nang unang makita sa isang balon.

Mula sa dating sukat nito, unti unti umanong lumaki ang imahen hanggang sa umabot sa sukat na isang dangkal.

Bukod sa paglaki nito, naniniwala ang mga residente na nakakapagpagaling rin ito ng mga sakit.