Babae sa India, kinagat ang ari ng mister, tumakas kasama ang kalaguyo

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2018 06:49 PM | Updated as of Aug 03 2018 11:42 PM

NEW DELHI, India — Kinasuhan ng attempted murder ang isang babae sa India na kinagat ang ari ng kaniyang mister matapos siya nitong mahuling may ibang lalaki. 

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, nanonood ng play ang 45 anyos na si Jayanthi kasama ang kaniyang mister nang umalis ito para kitain ang kaniyang kalaguyo noong Lunes.

Nang hindi pa bumalik ang babae matapos ang lagpas isang oras, hinanap na siya ng kaniyang asawa.

"He found her in close contact with her lover. A scuffle followed during which the dhoti tunic that the man was wearing fell off. She bit off a part of his penis before running away with her lover," ayon sa pulisya.

(Nakita niya ang kaniyang misis kasama ang kalaguyo nito. Nag-away sila hanggang sa malaglag ang salawal ng kaniyang mister. Doon na niya kinagat ang ari nito at natanggal pa ang bahagi nito. Tumakbo siya kasama ang kaniyang kalaguyo.)

Ang mga nakakita sa insidente ay dali-daling tumulong upang isugod sa pagamutan ang duguang lalaki. 

Naaresto ang misis noong Miyerkoles.

Nagpapagaling na ngayon ang lalaki. Nakuha ang natanggal na bahagi ng kaniyang ari ngunit hindi pa alam kung naibalik ito.

Ayon sa pahayagang Times of India, inamin ni Jayanthi ang krimen kaya't siya ngayon ay nakapiit sa Vellore Central Prison for women.

—Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.