Lalaki, naipit sa loob ng ATM

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2017 11:04 PM

 

Rumesponde ang mga pulis sa isang naiibang insidente sa Texas, U.S.A.

Sumaklolo sila sa isang lalaking naipit sa loob ng automated teller machine (ATM)!

Na-trap daw sa loob ng ATM ang isang contractor na nagpapalit ng kandado nitong makina.

Noong una, nagsisigaw mula sa loob ng ATM ang lalaki, pero inakala raw ng mga nagwi-withdraw ng pera na may gusto lang mang-trip sa kanila.

Dahil walang pumapansin, sunod nang naglusot ang naipit na lalaki ng piraso ng papel sa siwang kung saan lumalabas ang resibo kapag nag-withdraw sa ATM.

Noon pa lang daw tumawag ng pulis ang nakatanggap ng mensahe ng lalaki.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.