10-talampakang sawa nahuli sa bahay sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2018 10:09 AM | Updated as of Jul 02 2018 11:08 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Ililipat sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources ngayong Lunes ang isang 10-talampakang sawa na nahuli sa loob ng isang bahay sa Barangay 201, Pasay City.

Natagpuan ang sawa sa bahay sa Merville Access Road nitong Huwebes ng madaling-araw. Dalawang tauhan ng barangay at isang fire volunteer ang naglakas-loob para hulihin ito.

Kuwento ng fire volunteer na si Ulyses Ladi, nahirapan silang hulihin ang ahas dahil natakot ito sa dami ng tao. Kalaunan, dinala aniya ang sawa sa barangay hall.

Hinala naman ng mga opisyal ng barangay, lumabas ang ahas mula sa lungga nito sa kalapit na damuhan noong kasagsagan ng malakas na ulan.

Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News