Bangkay ni 'Supremo,' bumulabog sa EDSA-NIA

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2017 12:44 PM

MANILA - Nagdulot ng pangamba ang isang kahina-hinalang kahon na namataan sa kanto ng EDSA at NIA Road sa Quezon City, Martes. 

Pero matapos suriin ng bomb squad, nakita sa loob ng kahon ang isang patay na English bulldog na pinaniniwalaang may pangalang "Supremo." 

Sa gilid ng kahon nakasulat naman ang nakaantig na mensahe.

"Supremo, sorry kung napabayaan kita. Sorry kung hindi kita naalagaan. Sorry for not being there. 

"Thank you Prems for being there for me. Thank you for cheering me up. I love you Prems. :( #PaalamSupremo." 

Hindi pa tiyak kung sadyang iniwan sa lugar ang labi ng aso o kung nahulog lamang ito mula sa isang dumaraang sasakyan. -- Ulat ni Jeff Hernaez, ASB-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.