PANOORIN: Buhay na oarfish, napadpad sa Butuan City

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2017 11:17 PM | Updated as of Jun 06 2017 02:33 PM


Video courtesy of Brando Baliber

BUTUAN CITY - Pinagkaguluhan ng mga residente ng Purok 8, Barangay Lumbocan, Butuan City ang isang napadpad na oarfish sa kanilang lugar.

Nakunan pa ng video ni Brando Baliber ang oarfish na buhay pa pasado alas-7 ng umaga Lunes.

Kwento ng mangingisda na si Jun Acompanado, napagkamalan pa na palutang-lutang na damo ang oarfish bago ito dinala sa baybayin.

May lapad na halos anim na pulgada at may habang 11.5 talampakan ang isda na may bigat na mula 25 hanggang 30 kilo.

Dagdag pa ni Acompanado, may sugat ang isda nang ito ay natagpuan.

Namatay rin ito matapos ang dalawang oras.

Ito ang unang pagkakataon na may nakitang ganitong uri ng isda sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.