Wow! Higanteng saging, agaw-eksena sa Zamboanga

Reuben James Rosalado, ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 10:30 AM | Updated as of May 31 2017 03:12 PM

Tawag-pansin ngayon ang ga-higanteng mga saging na inilalako sa kalsada ng Barangay Tugbungan sa Zamboanga City.

"Bawat piraso ng saging ay may bigat na kalahating kilo at higit sa 12 inches ang haba.

Ayon kay Maricel Limen, may ari ng stall, binili nila ang seedling ng kakaibang species ng saging sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur at kanilang itinanim sa kanilang bakuran.

Ginamitan din nila ng Organic fertilizers ang itinanim na saging.

Dagdag pa niya, tinawag ng mga residente ang dambuhalang saging na "Sandoke" na bihira sa Zamboanga City.

Sinabi pa ni Limen na may ilang taon na din silang nagbebenta ng ga-higanteng saging sa halagang P20 bawat isa.

Ang lasa daw nito ay tulad din ng ordinaryong saging na mabibili sa palengke.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.