Lalaki nagsawa sa pulutan, nagnakaw ng de-lata

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 07:19 AM | Updated as of Feb 06 2018 12:01 PM

MANILA - Inaresto ang isang pedicab driver matapos magsawa umano sa pulutan at magnakaw ng mga de-lata sa isang convenience store sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Nahuli ng clerk ng tindahan sa CCTV footage ang suspek na si HermiƱo Deverson, 48, habang isinisilid sa kaniyang bulsa ang 2 lata ng corned beef at meatloaf na nagkakahalaga ng P300, ayon sa mga pulis.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Paliwanag naman ni Deverson, nakikipag-inuman siya sa mga kaibigan at nagsawa sila sa pulutang mani kaya naghanap ng iba pang puwedeng kainin.

Wala umano siyang pera at aminadong lasing na kaya niya nagawang nakawin ang mga imported na de-lata.

Mahaharap siya sa kasong theft. Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.