Furniture warehouse sa Valenzuela tinupok ng apoy

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2017 06:02 PM

MAYNILA - Isang furniture warehouse ang tinupok ng apoy sa Masipag Street, Brgy. Dalandanan, Valenzuela City, Linggo ng hapon. 

Ayon kay FO1 Winnie Isturis, nagsimula ang sunog alas-4:04 ng hapon at mabilis itinaas sa ikatlong alarma. Idineklara namang under control ang sunog matapos ang may isang oras. 

Ang nasunog ay warehouse ng La Sedia furniture na pagaari ng Westfare Marketing Inc. Hindi pa alam kung ano ang pinagmulan lalo pa't hindi operational ang warehouse tuwing linggo at walang tao.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog. Wala namang nasaktan at wala ring katabing mga bahay ang warehouse.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.