Presyo ng langis, natapyasan

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2017 05:34 PM | Updated as of Jul 18 2017 02:29 AM

Good news po sa mga motorista, natapyasan ang presyo ng langis ngayong linggo.

Nauna nang nagpatupad ng bawas presyo nitong Lunes, Hulyo 17, ang Phoenix Petroleum sa mga produktong petrolyo.

Nag-abiso naman ang iba pang kompanya ng langis na magpapatupad ng bawas-presyo simula mamayang hatinggabi o alas-6 ng umaga bukas, Hulyo 18.

 


Oil Price Rollback:

 

Phoenix Petroleum (Hulyo 17, 6 A.M.)

DIESEL     P0.50/L
GASOLINE    P0.20/L

Flying V, SeaOil (Hulyo 18, 12 A.M.)
Shell, PTT, Petron, Jetti, Eastern Petroleum, Total (Hulyo 18, 6 A.M.)

DIESEL     P0.60/L
GASOLINE    P0.20/L

Flying V, SeaOil (Hulyo 18, 12 A.M.)
Shell, Petron (Hulyo 18, 6 A.M.)

KEROSENE    P0.50/L

 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.