Bago ang pasukan: Ilang school supplies, may taas-presyo

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 07:56 PM | Updated as of May 17 2018 09:10 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilang linggo bago magsimula ang pasok sa mga paaralan, tumaas ang presyo ng ilang school supplies sa mga pamilihan.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nagtaas na ang school supplies gaya ng mga notebook, pad paper, at intermediate pad sa mga pangunahing commercial center tulad ng Divisoria sa Maynila.

Mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon, P1 hanggang P3 ang itinaas ng presyo ng mga de papel na school supply.

Bunga ito ng pagmahal ng raw materials sa ibang bansa at galaw ng piso kontra dolyar, ipinaliwanag ng DTI.

Narito ang kasalukuyang presyo ng mga nagtaas na school supply sa Divisoria: 

  • Notebook - P9 hanggang P12 (depende sa kalidad)
  • Branded na notebook - P12 hanggang P34
  • Grade 1 to 4 pad paper - P6 hanggang P42
  • Intermediate pad - P13 hanggang P32

Subalit mayroon namang mga school supply na hindi nagbago ang presyo. Kasama rito ang mga sumusunod: 

  • Lapis - P12 hanggang P16.50 (3 piraso kada pack)
  • Ballpen - P5 hanggang P10.50 kada piraso
  • Crayons - P12 hanggang P69.75 (depende sa brand at laki)
  • Eraser/ pambura - P5 hanggang P15 kada piraso
  • Sharpener/ pantasa - P8 hanggang P34 (depende sa brand at laki)
  • Ruler - P10 hanggang P33
  • School bag - P100 hanggang P350 (depende sa klase)

Sa mga bibili naman ng uniporme, nasa P100 hanggang P250 ang pang-itaas habang P150 hanggang P250 naman ang pang-ibaba, depende sa size at kalidad ng tela.

Kahit ilang linggo pa bago ang pasukan, may ilang mga magulang ang namili na ng school supplies.

Ayon sa DTI, maaaring makabili ng school supplies na may 50 porsiyentong diskuwento sa susunod na linggo sa pamamagitan ng kanilang 'Diskwento Caravan.'

Puwedeng i-check ang schedule nito sa website ng DTI.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.